Impormasyon sa executive session, nasa kamay ng mga senador kung isasapubliko

     3 months ago
18
Leave a Comment
3 SHARE

Nasa kamay na umano ng mga senador ang kapangyarihan kung isasapubliko o mananatili sa kanilang kaalaman lamang ang mga nabunyag kagabi sa executive session.

Sa pagtatanong kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, inamin nitong nadismaya sila dahil walang kinatawan ang pulisya sa closed door meeting.

Malaking tulong daw sana ang buong detalye ni John Paul Solano para mabilis na matugis ang mga miyembro ng Eagis Jvris fraternity na nagpahirap at nakapatay kay Horacio Castillo III.

Pero ayon sa source ng Bombo Radyo, sa ginawang executive session, walang napiga ang mga mambabatas maliban sa pahayag ni Solano na tinawagan siya ng kaniyang ka-brod at pinapunta sa Frat Library sa Sampaloc, Manila, kung saan nakita niya na nakahandusay ang katawan ni Atio kaya’t agad niyang dinala sa Chinese General Hospital.

READ  Duterte, nakatakdang ianunsiyo ang susunod na BSP Governor

Pinagsabihan umano siya ng kanyang ka-brod na sabihing nakita niya si Atio sa Balut, Tondo, Manila para iligaw ang gagawing imbestigasyon ng mga otoridad.

Si Solano ay agad na ibinalik sa Manila Police District detention facility matapos magisa sa closed door meeting.

Source link

Post Comments