Ingay sa pulitika walang epekto sa investors confidence sa Duterte admin – Palasyo

     2 months ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

Iginiit ng Malacañang na hindi apektado ng ingay sa politika ang kumpiyansa ng mga investor sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunay dito ang patuloy na paglakas ng local stock market kung saan muli itong nakapagtala ng record-breaking run nang magsara sa bagong record-high na 8,344.05 points ang stock index.

Ayon kay Abella, tiwala silang mapanatili nila ang economic growth momentum kasunod ng mga inilatag na economic fundamentals Duterte administration.

Tiyak na lalong magpapasipa raw sa ekonomiya ng bansa ang mga nakakasang naglalakihang infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program.

Kaya umaasa raw silang makakamit ang growth target ngayong taon at lalo pang maiparamdam ang paglago ng ekonomiya sa mga mamamayan.

READ  Iloilo airport operations, suspendido pa rin; pahirapan paghatak sa CebuPac plane

“The local stock market continues its record-breaking run when the index closed at a new record high of 8,344.05, ignoring the political noise, and highlighting investor confidence on the leadership of President Rodrigo Roa Duterte and his economic team. We are poised to maintain our economic growth momentum as we continuously lay down a strong foundation for sustainable and inclusive growth.  Increased public investment in infrastructure, together with construction activities, is expected to pick up sharply in the coming months as we roll out the Build-Build-Build Infrastructure Plan,” ani Abella. “We remain hopeful that we would reach our growth target for the year as we move forward with our plans and programs.”

READ  Jake Zyrus, Tuwang-tuwa Sa Pagkikita Nila Ng Kanyang Kapwa Transgender Na Si Joey Mead King!

Source link

Post Comments