Inihaing impeachment complaint hindi pinag-isipan ayon sa kampo ni Sereno

     1 month ago
21
11 Comments
19 SHARE

Tinawag na troll ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang complainant ng isinampang impeachment na si Atty. Larry Gadon.

Ayon sa Spokesperson ni Sereno na si Atty. Jose Deinla, nagmumukhang Troll si Gadon dahil sa mga pinalulutang nitong mga wala namang basehan na mga bintang.

Marami anyang sinasabi ni Gadon na hindi nito pinag-iisipan dahil ang nais lamang at magpalaki ng usapin.

Inihalimbawa ni Deinla ang suhestiyon ni Gadon na gawing prosecutor sa impeachment trial laban kay Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinayuhan din nito si Gadon na muling na balikan ang oath nito na nagsasabing ang pangunahing tungkulin nilang mga abogado ay sa bansa.

READ  Pimentel: Sec. Roque hindi na isasalang sa Commission on Appointments

Mas makabubuti din anya kung basahin ni Gadon ang mga desisyong inilabas ni Sereno sa Korte Suprema dahil malinaw doon ang pagiging independent minded nito.

Ang pahayag ay ginawa ng kampo ni Sereno kasunod ng mga pahayag ni Gadon na ang pagpapatalsik kay Sereno gayundin kay Comelec Chairman Andres Bautista at nakaambang impeachment kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay para mawala ang mga tinatawag na yellow virus sa pamahalaan.

Source link

19 SHARE

Post Comments