Inquirer-Bandera cup aarangkada ngayong araw

     3 months ago
10
Leave a Comment
0 SHARE

Bahagi ng pagdiriwang para sa ika-27 taong anibersaryo ng Inquirer Bandera ay ang gaganaping benefit race ngayong araw sa Metro Turf Racing Complex sa bayan ng Malvar, Batangas.

Ang PCSO-Bandera Cup ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office bilang major sponsor at ang lahat ng malilikom na salapi sa nasabing karera ay ilalaan sa Inquirer Newsboy Foundation.

Ang PCSO Bandera Cup Race 5 ay may guaranteed gross prize na P150,000 at trophy para sa mananalo.

Kabilang sa mga heavy favorites ngayongg araw ay ang Precious Jewel at Masumax kung saan ay inaasahan rin na magdadala ng surpresa ang iba pang kalahok.

READ  ANO ‘YONG MABAHO? | Guess what cops found from a deep well they dug up in Ozamiz? | News5

Kinabibilangan ito ng Yoshiko, Queen Hayley, My Priviledge, Ilovehenry at Final Impact.

Ang 2nd Bandera Benefit Racing Festival ay co-presented ng Boysen Paints, Unilab, EEG Development Corp. at ng Bandera Mobile App.

Ang 2nd Bandera Benefit Racing Festival na magsisimula sa  Race 2 na may titulong Bandera-EEG Development Corp. race ay mayroong guaranteed gross prize na P120,000 at dagdag na P5,000 para sa mananalo.

Ang Race 3 na tatawaging Bandera-Boysen Paints race ay may guaranteed gross prize na P120,000 at P5,000 para sa maswerting winner.

Samantalang ang Race 6 na may titulong Bandera-Unilab race ay mayroon ring guaranteed gross prize of P120,000 at  dagdag na P5,000 para sa maswerteng mananalo.

READ  Agaw Atensyon Ang Anak Ni Ina Raymundo! Siya Na Nga Ba Ang Susunod Na Heartthrob Ng Industriya?

Bilang panghuli, ang Bandera Mobile App race ay may guaranteed gross prize of P120,000 at dagdag pa na P5,000 para sa lucky winner.

Source link

0 SHARE

Post Comments