Inquirer Libre, naglunsad ng kanilang “Pasayahin ang Umaga” promo sa LRT 1 station

     1 week ago
9
Leave a Comment
2 SHARE

Inilunsad ng pahayagang Inquirer Libre ang “PASAYAHIN ANG UMAGA” promo kung saan ay libre silang namahagi ng iba’t ibang mga give-aways, souvenir items, snacks at mga inumin sa mga commuter ng LRT Line 1.

Ang Doroteo Jose Station ang isa sa mga napiling puwesto ng Inquirer Libre para ipagkaloob sa mga mananakay ng LRT ang kanilang mga pampasaya items.

Ayon kay Pher Mendoza, Chief Marketing Officer ng Inquirer Group, ang “PASAYAHIN ANG UMAGA” PROMO ay isa sa mga pamamaraan nila para maibsan ang bagot ng mga pasahero at ipakilala na rin ang Inquirer Libre sa mga mananakay.

Pinili ng Inquirer Libre ang D. Jose Station dahil sa dami ng mga sumasakay na pasahero dito pati na rin sa LRT Recto Station.

READ  Korean na may-ari ng resort arestado dahil sa panunutok ng baril at extortion sa Batangas

Hindi naman mapagsidlan ng tuwa ang ilang mga commuter ng LRT sa libreng biyaya na ipinagkakaloob ng Inquirer Libre.

Plano rin ng Inquirer Libre na magsawagawa ng kaparehong aktibidad sa iba pang LRT stations.

Source link

READ  2nd SONA ni Pang. Duterte, magiging makatotohanan - Abella
2 SHARE

Post Comments