Intl. singer George Michael pumanaw na

     12 months ago
228
Leave a Comment
35 SHARE

Pumanaw na ang British pop legend na si George Michael sa edad na 53-anyos.

Sa statement ng kaniyang publicist, binawian ng buhay ang dating Wham! singer, sa tahanan nito sa England kasabay ng Pasko.

Tumanggi munang magkomento ang pamilya ni Michael at hiling na bigyan ang mga ito ng privacy sa panahon ng pagdadalamhati.

“It is with great sadness that we can confirm our beloved son, brother and friend George passed away peacefully at home over the Christmas period,” bahagi ng statement ng publicist ni Michael.

“The family would ask that their privacy be respected at this difficult and emotional time. There will be no further comment at this stage.”

READ  Debbie Reynolds, mother of Carrie Fisher, dies

Hindi naman idinetalye ng kampo ng singer ang sanhi ng pagkamatay nito.

Noong dekada 80 nang ilunsad ang career ni Michael o Georgios Kyriacos Panayiotou sa tunay na buhay, bilang bahagi ng bandang Wham! na nagpasikat ng awiting “Wake Me Up Before You Go Go”, bago ito nagsolo.

Sa apat na dekada sa industriya, nakapagbenta ito ng 100 milyong kopya ng album.

Ang Grammy-winning singer ang nasa likod ng timeless hits na “Careless Whisper” habang ilan pa sa kaniyang mga awitin na pumatok sa Billboard charts ay ang “I Want Your Sex,” “Faith,” “One More Try” at marami pang iba.

Nasa ika-40 puwesto si Michael ng Billboard Hot 100 Top All Time Artists.

READ  Death Penalty binara ni UN Sec. General Ban Ki-moon

Bagama’t nitong mga nakaraang taon ay naharap sa ilang kontrobersiya ang singer.

Noong 2006 ay nasangkot ang singer sa drugs at taong 2010 ay nahatulan ng walong linggong pagkakakulong matapos binangga ang kaniyang Range Rover sa isang tindahan sa London.

Napilitan si Michael na kanselahin ang ilan niyang concerts noong 2011 makaraang maospital dahil sa pneumonia.

Post Comments