Int’l survey findings na pumapabor kay Duterte, anti-drug war welcome sa Palasyo

     3 months ago
34
Leave a Comment
6 SHARE

Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng pag-aaral ng US-based think tank na Pew Research Center na karamihan ng mga Pilipino ay patuloy na naniniwala kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang anti-drug war.

Kasabay nito ay iginiit ng Malacañang na magiging walang humpay ang maigting na kampanya ng Duterte administration laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi titigil ang gobyerno sa “war on drugs” hangga’t hindi nabubuwag ang drug apparatus, nalilinis ang mga lansangan mula sa pinakahuling drug pusher at lahat ng mga drug traffickers ay nakukulong.

“Our campaign against illegal drugs and criminals continues to get unwavering support from our people,” ani Abella. “The campaign against illegal drugs, as the President said, would be relentless until the drug apparatus is dismantled, the last drug pusher is out of the streets, and the last drug trafficker behind bars.”

READ  8 katao patay sa paglubog ng bangka sa Rizal

Batay sa nasabing findings ng international study, lumalabas na nagugustuhan ng mga Pilipino si Pangulong Duterte at “generally popular” ang kanyang anti-drug war.

Sa survey, 86 percent ng mga Pilipino ay may positibong opinyon kay Pangulong Duterte, 41 percent ang nagsabing “very favorable” habang 12 percent lamang umano ang nagsasabing ayaw nila sa pangulo.

Ang Pew Research Center ay nag-interview ng 1,000 Pilipino mula February hanggang May 2017 para sa kanilang Global Attitudes Survey.

Source link

Post Comments