Isa sa mga persons of interest sa pagpatay kay Michael Angelo Remecio, nasa kustodiya na ng Caloocan Police

     3 months ago
30
Leave a Comment
0 SHARE

Hawak na ngayon ng Caloocan Police ang isa sa mga persons of interest sa pagpatay kay Michael Angelo Remecio.

Kinilala ang person of interest na si Alexander Silugay, dalawamput dalawang taong gulang at residente ng Caloocan City.

Ayon kay Police Chief Inspector Ronald Gayago, dinala ng mga barangay tanod sa Caloocan Police Community Presinct Station 3 kagabi si Silugay.

Ito umano ang isa sa apat na mga nakainuman ni Remecio noong August 27, na huling gabi na nakitang buhay ang biktima bago ito nawala.

Ayon kay Silugay, nagkaroon sila ng pagtatalo na nagresulta sa pananaksak hanggang sa mapatay ng isang alyas Joshua si Remecio.

READ  Alvarez: Martial law extension sa Mindanao tiyak na lulusot sa Kamara

Samantala, patuloy pa ring hinahanap ng mga otoridad ang iba pang kasama ni Silugay na nakainuman nila ni Remecio. Tinitingnan rin ng mga otoridad kung may kaugnayan ba sa droga ang pamamaslang sa biktima.

 

Source link

0 SHARE

Post Comments