Isang Chinese national, patay sa pananambang sa Pasay City

     2 months ago
35
Leave a Comment
8 SHARE

UPDATED. Patay ang isang Chinese national matapos pagbabarilin ang sasakyan nito sa tapat ng isang hotel sa kanto ng EDSA at Roxas Boulevard sa lungsod ng Pasay.

Kinilala ang biktima na si Zhizhu Wu na residente ng Binondo, Maynila.

Ayon sa saksi sa insidente, limang kalalakihan na sakay ng tatlong motorsiklo ang nagpaulan ng bala sa puting Toyota Previa ni Wu na may plakang ZPB 297.

Isinugod pa sa San Juan de Dios Hospital si Wu ngunit idineklara itong dead on arrival.

Basag ang windshield at bintana sa may passenger side ng sasakyan dahil sa dami ng pumasok na bala sa loob.

READ  Koko: With Duterte's rapprochement toward VP Leni, impeachment now more difficult

Bahagya nang sumisikip at bumabagal ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa insidente.

Source link

8 SHARE

Post Comments