Isang labor group, umaasa ng magiging makabuluhan ang “surprise Labor Day gift” ni Duterte

     7 months ago
35
Leave a Comment
6 SHARE

Umaasa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na magiging makabuluhan ang “surprise Labor Day gift” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mangagawa bukas, Labor Day.

Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, nakapagsumite ang grupo ng 11-point agenda sa pangulo 2 buwan na ang nakakalipas kasama ang kontraktuwalisasyon at dagdag-sahod.

Kasunod nito, umaasa aniya ang grupo ng positibong resulta.

Sinabi rin ni Tanjusay na ikatutuwa ng grupo kung magiging makahulugan at makatotohanan ang surprise gift sa mga mangagawa.

Dapat din aniyang mabigyang-linaw na ng Punong Ehekutibo ang polisya ng kontraktuwalisasyon dahil sa aniya’y taliwas na aksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).

READ  "50-50 ang tsansa na makalulusot si Lopez sa Commission on Appointments" -Pacquiao

Kamakailan, matatandaang inilabas ng DOLE ang Department Order 174 na sinasabing nagpapatuloy ng kontraktuwalisasyon sa bansa.

Source link

6 SHARE

Post Comments