ISANG TAON NA, WAR ON DRUGS! sa “WAG KANG PIKON” ni Jake Maderazo

     3 months ago
68
Leave a Comment
0 SHARE

Nagbago ba ang buhay ng Pinoy matapos ang 365 days ng Pangulo? Nagbago ba ang crime situation sa kalye?

Pati pulis target din, tulad ng 403 pulis na kasama sa narco-list ni Pres. Duterte nitong Hunyo. 14 dito ang napatay, 29 ang tinanggal sa serbisyo, 37 ang nagretiro samantalang 44 ang AWOL. May natitira pang 222 na nasa aktibong serbisyo pero may mga kaso o ipinatapon sa Mindanao. Ibig sabihin nito, pati mga corrupt na pulis ay target na rin.

Kapansin-pansin na bumaba ang nakawan sa isang taon (July 2015 – May 2016 at July 2016 – May 2017). Robberies, bumagsak ng -34.65%, Theft -38.62%. Kumonti ang nakawan, cellphone snatching, holdap, akyat bahay at iba pa. Carnapping bumagsak ng -46.54% at ang nakawan ng motorsiklo, bumagsak din ng -39.93%. Kahit “physical injuries” nabawasan ng -18.13% at kaso ng “rape” ay -6.08%. Siyempre tumaas ang kasong murder ng +31.27 dahil sa mahigit lima hanggang pitong libong bumulagta sa mga lansangan.

Pero ang pinakamabigat dito ay ang pagsuko ng 1,288,140 sa Tokhang at umaming sila’y drug pusher, user o addict. Gaano karaming krimen ang posibleng ginawa nila kung hindi sila sumuko? Ngayon, pwede na silang ireporma o magbago.

Sa 2017 stats ng PDEA, merong 4.7M drug users at 20.126 barangays sa buong bansa ang may problema sa ilegal na droga sa kabuuang 42,036. At ang nalilinis lamang ay 3,677 barangays. Iba naman ang sinasabi ng Dangerous Drugs Board (DDB) na 1.8M drug users lang sa 2015 survey.

Pero, ang pinakamalaking tanong, bakit maraming mahihirap na pusher at mga addict ang napapatay pero, popular pa rin si Duterte at ang “war on drugs” sa mga mahihirap?

Dalawa ang sagot diyan. Isa mula sa nakararaming mahihirap sa mga squatter areas, o “depressed areas” ng mga lungsod at bayan na talamak ang “shabu” o poor man’s cocaine na “sachet” o sekator o “katorse pesos”.

At iba naman sa mga nakaririwasang pamilya sa mga “gated communities”, condominiums atbp kung saan ang drug problem ay hindi shabu kundi mamahaling “cocaine, heroin, ecstacy” atbp. Karamihan ay hindi alam ang epekto ng murang –mura pero chemical based na “shabu”.

“Que horror” sabi ng mga mayayaman sa 5,217 na napatay sa drug–related incidents. Human rights violation iyan na puro mahihirap lang ang napapatay. Bakit hindi pinapatay ang mga big time shabu dealers? Tao rin ang mga shabu addicts na pwede pang i-reporma?

Sabi naman ng mga mahihihirap, “Buti nga” “sa wakas nakahanap sila ng katapat”. Sa mga kalye, nawalang bigla ang mga kriminal kasama na ang mga siga, mga addict sa bawat barangay. Pati mismong kamag-anak ng adik nagsusuplong na rin. “Kill pa more” sabi nila sa SWS survey. Sampol dito ang Bulacan massacre kung saan pinatay, ginahasa ang lola at nanay, pati tatlong bata kasama ang isang taong gulang pa lamang, ng mga addict sa shabu.

Hindi nangyayari ang mga ganito sa mga “gated communities” dahil “cheap” sa mga rich addicts ang shabu. Pero sa mga “depressed areas”, talamak ito lalo’t “mura” at “affordable” na shabu. Kapag kargado na, krimen pa more.

Isang taon na ang war on drugs. Maraming bumulagta pero maraming naisalbang mga tao sa mga holdapan, nakawan at iba pa. Tuloy dapat ang kampanya, unang- una laban sa mga corrupt na pulis o ninja cops at mga kriminal sa buong bansa.

Source link

0 SHARE

Post Comments