Isyu ni De Lima kay Bong Go isang panggugulo lamang ayon sa palasyo

     11 months ago
878
1 Comment
491 SHARE

Kumbinsido ang Malacañang na posibleng panggugulo lamang sa mga nasa administrasyon ang pagpapalutang ni Sen. Leila de Lima na si Sec. Christopher “Bong” Go ang nagpadrino kay Supt. Marvin Marcos kay PNP Chief Ronald dela Rosa.

Magugunitang itinanggi na nina Sec. Go at Gen. Dela Rosa ang ibinulgar ni Sen. De Lima kahapon.

Sinabi ni Communications Asec. Marie Banaag, malaya naman naman kasi amg senadora kung ano gusto nitong isipin at sabihin.

Ayon kay Banaag, hindi nila mapipigilan si Sen. De Lima sa kanyang pagpapakalat ng aniya’y “misinformation” sa publiko.

Kasabay nito, ipinauubaya na ng Malacañang kay Gen. Bato ang pagpapaliwanag o pagtukoy sa sinasabi niyang opisyal na tumawag sa kanya para ibalik noon si Marcos bilang head ng CIDG-8.

READ  Watch! Ronnie Dayan, pina-aatend sa Senate hearing bukas

“Maraming posibilidad niyan dun sa sinasabi ni Secretary De Lima at nasabi mo nga na klaro na nasabi ni General Bato na hindi naman si Special Assistant to the President Bong Go ang tumawag sa kanya. So, I don’t think may i-kailangan tayong iklaro dyan. At dun sa punto ni Secretary De Lima, hindi natin siya pwedeng sabihan kung anong pwede niyang isipin at kung anong pwede niyang isipin at sabihin. Kaya kung sa kanyang banda po, kay Senator De Lima, kung gusto niyang sabihin ‘yun, walang problema po sa atin kasi anytime po they can, they can feed any misinformation in order to, para magkagulo ang ranks ng mga nagtatrabaho sa administrasyon,” ani Banaag.

READ  Gordon kay De Lima: “You can’t control this committee”
491 SHARE

Post Comments