Isyu sa extrajudicial killings sa Phl, inungkat ni Trudeau kay Duterte

     1 week ago
24
Leave a Comment
5 SHARE

Inungkat umano ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau kay Pangulong Rodrigo Duterte ang issue sa  extrajudicial killings (EJKs) sa Pilipinas.

Sa press briefing sa International Media Center (IMC), sinabi ni Trudeau na nagkaroon siya ng pagkakataon na banggitin ito kay Pangulong Duterte bago nagsimula ang ASEAN-Canada 40th Commemorative Summit.

Ayon kay Trudeau, ang umano’y extrajudicial killings sa Pilipinas ay issue na “concerned” din ang Canada.

Ito ay dahil kilala na raw ang Canada sa pagiging “firm” sa mga diskusyon hinggil sa rule of law at human rights.

Gayunman, naging bukas naman daw si Pangulong Duterte hinggil sa kanyang naging komento sa naturang usapin.

READ  MILF tutulong na din sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan

Sa katunayan ay naging matiwasay nga raw ang kanilang buong pag-uusap.

Source link

Post Comments