Jeff Horn, bukas na gawin ang rematch kay Pacquiao sa Pilipinas

     3 months ago
135
1 Comment
60 SHARE

 

Ikinukunsidera rin ni World Boxing Organization (WBO) welterweight title holder Jeff Horn ang posibilidad na bigyan ng rematch si Senador Manny Pacquiao.

At bukas rin siya na dito sa Pilipinas isagawa ang muli nilang paghaharap na una nang binanggit ng pambansang kamao matapos maagaw ni Horn ang welterweight belt sa kanya kahapon.

Bagamat mas gugustuhin niya aniya na isagawa ang rematch sa Australia, wala namang problema kung gawin ito sa Pilipinas.

Sa pagharap nito sa mga mamamahayag matapos ang laban, sinabi ni Horn na naging malaki ang tulong ng kanyang mga kababayan upang mapalakas ang kanyang loob upang isulong ang laban.

Ang malakas na hiyawan at suporta ng mga ito ang naging susi upang manatili itong nakatayo kahit muntikan siyang bumagsak sa ninth round.

At dahil rin sa suporta at hiyawan ng nasa 50,000 nanood laban, mistula siyang nagkaroon ng dagdag na lakas upang makuha ang huling tatlong rounds na nagpanalo sa kanya sa laban.

Si Horn ay sinasabing kumita ng $500,000 mula sa laban samantalang $10 million naman ang kinita ni Pacquiao kahit hindi ito nagwagi sa bakbakan.

Source link

60 SHARE

Post Comments