Kahit walang ipinrisintang pruweba, ISIS inako ang responsibilidad sa Las Vegas massacre

     2 months ago
27
Leave a Comment
0 SHARE

 

Inako ng Islamic State (IS) ang madugong pag-atake ng isang 64-anyos na Amerikano na namaril sa isang concert sa Las Vegas na ikinasawi ng mahigit 50 katao at ikinasugat ng mahigit 400 iba pa.

Sa ulat ng Associated Press, inilabas ng ISIS sa kanilang Aamaq News Agency na isa nilang ‘sundalo’ ang pasimuno ng itinuturing na pinakamadugong ‘mass shooting’ sa kasaysayan ng Amerika sa kasalukuyan.

Ayon pa sa pahayag, ilang buwan bago ang pamamaril, nag-convert na sa Islam ang suspek.

Gayunman, hindi naman tinukoy sa statement ng ISIS ang pangalan ng sinasabi nilang nagsagawa ng krimen.

Hindi rin nagbigay ng anumang pruweba ang ISIS na magpapatibay sa kanilang pahayag.

READ  Medialdea, Esperon, ipinagtanggol sa joint session ang martial law declaration ni Duterte

Una rito, kinilala ng mga otoridad ang pasimuno ng pamamaril sa Las Vegas na si Stephen Paddock, residente ng Mesquite, Nevada.

Mula sa kanyang nirentahang kuwarto sa ika-32 palapag ng Mandalay Bay sa Las Vegas strip, nagpaulan ng bala si Paddok sa libu-libong nanonood ng isang country music concert ilang metro lamang ang layo mula sa naturang hotel.

Nang sugurin ng mga otoridad, natagpuang patay ang suspek sa loob ng kanyang kuwarto.

Nadiskubre rin ang mahigit sa sampung automatic rifles sa silid nito.

Source link

0 SHARE

Post Comments