Kamara, hindi bubuwagin sa ilalim ng pederalismo

     5 months ago
16
Leave a Comment
1 SHARE

Pinawi ng mga opisyal ng Kamara ang pangamba na mabubuwag ang Mababang Kapulungan at masisibak ang mga lider at empleyado, sa sandaling mapalitan na ang sistema ng gobyerno tungo sa federalism.

Ayon kay House Secretary General Cesar Pareja, maaapektuhan lamang ang Kongreso sakaling i-adopt ang unicameral o parliamentary system of government.

Kaya kung pederalismo ang porma ng pamahalaan, ligtas mula sa sibakan ang mga opisyal at empleyado ng Kamara.

Nilinaw pa ni Pareja na sakaling humantong na sa federalism ang sistema sa bansa, magkakaroon ng federal legislature sa kada federal state, na nangangahulihan na ang mga karanasan at expertise ng mga opisyal at tauhan ng House secretariat ay mas kailangan.

Sinegundahan ito ni House Deputy Secretary General for Legislative Operations Artemio Adaza, na nagsabinbg imposible ang tanggalan sa trabaho nang dahil lamang sa pederalismo.

Ipinaliwanag naman ni Dr. Clarita Carlos, professor ng Political Science sa University of the Philippines, kung may pagbabago man nang dahil sa federalism ay maliit lamang ito, at tiyak na mananatili pa rin ang lehislatura, gaya ng U.S. Congress sa Washington.

Ang federalism form of government ay matagal nang isinusulong ni Presidente Rodrigo Duterte.

At sa katunayan, may mga panukalang batas na sa Kamara na layong baguhin ang sistema ng gobyerno, alinsunod sa gusto ng pangulo.

Source link

1 SHARE

Post Comments