Kampo ni De Lima, magpupulong ukol sa petisyong ibinasura ng SC

     2 months ago
18
1 Comment
3 SHARE

Agad magpupulong ang mga abogado ni Sen. Leila de Lima para pag-usapan ang magiging hakbang sa pagkakabasura ng kanilang petisyon sa Supreme Court (SC) ukol sa mga kasong kinakaharap sa lower courts.

Una rito, ibinasura ng Korte Suprema sa botong 9-6 ang hirit ni De Lima na i-dismiss ang mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga na isinampa laban sa kaniya.

Nangangahulugan ito na may basehan ang pagkulong sa senadora na kasalukuyang nakadetine sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Una nang iniugnay si De Lima sa umano’y talamak na illegal drug trade sa National Bilibid Prisons (NBP) noong siya’y kalihim pa ng Department of Justice (DoJ), kung saan sakop pa niya ang pagpapatakbo ng national penitentiary.

READ  CHACHA | Alvarez: House to get charter change going in 2018 | News5

The post Kampo ni De Lima, magpupulong ukol sa petisyong ibinasura ng SC appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments