Kampo ni Mrs. Patricia kay Chairman Bautista: Totohanin dahilan ng resignation na ‘more time’ sa mga anak

     1 week ago
17
Leave a Comment
0 SHARE

Umaasa ang kampo ni Mrs. Patricia Bautista na totohanin ni Comelec chairman Andres Bautista ang pagbibigay ng mas maraming oras sa kanilang mga anak, na siyang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa Komisyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, legal counsel ni Mrs. Patricia, kung talagang seryoso si Chairman Bautista sa kanyang intensyon, dapat unahin nito ang pagbibigay ng suporta sa kanyang mga anak.

Ayon kay Atty. Kapunan, magugunitang ang hindi pagbibigay ni Chairman Bautista ng sustento sa mga anak ang dahilan ng kasong domestic violence na kanilang isinampa.

Naniniwala naman si Kapunan na sa pagbibitiw ni Bautista bilang Comelec chairman, mapapadali na ang kanilang gagawing pagsasampa ng kaso dahil matatanggal na sa kanya ang immunity.

READ  Comelec Chairman Bautista, inanunsyo ang pagbibitiw sa puwesto

Source link

Post Comments