Kampo ni Mrs. Patricia, nagalak sa resignation ni Comelec Chair Bautista; plunder charges nakakasa na raw isampa

     2 weeks ago
1
Leave a Comment
7 SHARE

Ikinagalak umano ng kampo ni Mrs. Patricia Bautista ang anunsyo ng kanyang mister na si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na magbibitiw na ito sa puwesto epektibo sa katapusan ng taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Patricia, sa resignation ni Chairman Bautista ay mapapadali na ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa umano’y tago nitong yaman.

Ayon kay Atty. Kapunan, sa oras na hindi na chairman ng Comelec si Bautista, mawawala na ang kanyang immunity at maaari na siyang kasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman.

Naniniwala rin si Kapunan na pabor sa kanilang mga kaso ang resignation ni Chairman Bautista dahil isang “citizen Andy” na lamang ang kanilang makakalaban sa korte.

READ  Ingay sa pulitika walang epekto sa investors confidence sa Duterte admin - Palasyo

Samantala, hindi naman kumbinsido ang kampo ni Mrs. Patricia sa rason ni Chairman Bautista na para sa mga anak daw nila ang kanyang desisyong magbitiw na sa puwesto.

“Tama naman na magresign siya ano. Wala na siyang immunity ano because ready na kaming magfile ng plunder cases agaisnt not only him but the others that are involved in these plunder charges,” ani Atty. Kapunan sa panayam ng Bombo Radyo.

Source link

Post Comments