Karagdagang ‘sanctions’ laban sa North Korea, pirmado na ni Trump

     3 months ago
26
Leave a Comment
3 SHARE

 

Nilagdaan ni US President Donald Trump ang isang bagong executive order na naglalayong patawan ng mas maraming ‘sanctions’ ang North Korea dahil sa patuloy nitong pagpapalakas ng kanilang nuclear weapons capabilities.

Ayon kay Trump, nilalaman ng executive order ang dagdag na mga ‘sanctions’ ng Amerika sa ilang mga kumpanya, mga indibidwal at iba pang mga financial institutions na nakikipag-negosasyon sa kanyang tinaguriang “criminal, rogue regime” ng North Korea.

Pahayag pa nito, hindi dapat pahintulutan ang North Korea na abusuhin ang ‘international financial system’ upang mapondohan ang kanyang weapons development program.

Noong nakaraang araw, ipinag-utos rin ng Central Bank ng China ang pagpapahinto ng kanilang pakikipag-ugnayan sa North Korea.

READ  5th round ng peace talk sa NDFP inabandona ng pamahalaan

Matatandaang nitong mga nakaraang buwan, patuloy ang palitan ng matatapang na salita nina Trump at Pyongyang, sa usapin ng nucleaer ballistic missile tests ng North Korea.

Source link

3 SHARE

Post Comments