Kasambahay na inakusahang pinagnakawan ang dating amo, boluntaryong sumuko

     2 weeks ago
33
Leave a Comment
3 SHARE

Boluntaryong sumuko ang isang kasambahay na inakusahang nagnakaw ng nasa P100,000 halaga ng mga kagamitan mula sa kanyang datin amo.

Hindi naman itinanggi ni Margie Teodoro na ninakawan niya ang dating amo na si Yrrah Jean Pineda. Ngunit giit nito, nasa sampu hanggang labindalawang piso lamang ang halaga ng kanyang mga tinangay.

Sinurender ni Teodoro ang mga gamit na kinuha niya tulad ng isang makeup bag, isang Coach na pouch bag, isang Coach na shoulder bag, at isang body spray.

Dumulog si Teodoro sa barangay hall ng Batasan Hills, kung saan ito kasalukuyang naninirahan bandang alas onse y media matapos kumalat sa social media ang balita tungkol sa kanyang pagnanakaw.

READ  Ama ng biktima ng hazing pinagtanggol pa ang fraternity na sinalihan ng kanyang anak

Dagdag ni Teodoro, nagawa lamang niya ang pagnanakaw dahil sa kanyang anak.

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments