Klase sa lahat ng antas sa QC, kanselado sa araw ng SONA ni Pangulong Duterte

     3 days ago
9
Leave a Comment
8 SHARE

Nagkansela na ng klase ang lungsod ng Quezon para sa mga mag-aaral sa lahat ng antas sa July 24, araw ng Lunes.

Ito’y para magbigay-daan sa gaganaping ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa anunsyo na ipinalabas ni Mayor Herbet Bautista, sakop ng suspension ng klase ang lahat ng antas sa QC sa public at private schools.

Inaasahan kasi ang mga kilos protesta at pagsisikip ng daloy ng traffic sa maraming lansangan sa lungsod sa nasabing araw.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nadeklara rin ang lokal na pamahalaan ng QC ng suspensyon ng klase dahil sa SONA.

 

 

Source link

8 SHARE

Post Comments