Konsehal at anak patay sa pamamaril sa Puerto Galera

     2 weeks ago
27
Leave a Comment
3 SHARE

Patay ang isang konsehal sa Puerto Galera at anak nito makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang gunmen.

Base sa ulat ng na ipinadala sa Camp Crame, nangyari ang pamamaril sa Brgy. Tabinay, Puerto Galera, Oriental Mindoro pasado alas-3:30 ng hapon kanina.

Nakilala ang konsehal na si Melchor Arago, 52 years old at anak nitong si Kenneth Arago, 15 years old.

Ayon sa mga testigo, nasa loob ng kanyang kotse si Konsehal Arago sa tapat ng kanilang bahay nang bigla na lamang siyang paputukan nang mga armadong lalaki na nakasakay sa motorskilo.

Dagdag pa nila, paalis na sana ng crime scene ang mga suspek nang makita ng mga ito ang anak ng biktima na si Kenneth na paalis ng kanilang bahay at matapos nito ay kanilang pinaputukan.

READ  Duterte Cusses At Callamard After Her Remark On The Slay Of Kian Delos Santos

Sa ngayon, patuloy ang manhunt operations ng PNP Puerto Galera sa mga suspek sa nangyaring ambush.

Source link

3 SHARE

Post Comments