La Union at Davao Oriental, niyanig ng lindol

     2 months ago
19
Leave a Comment
3 SHARE

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng San Fernando sa La Union.

Naganap ang pagyanig alas 10:28 ng gabi sa 17 kilometers North ng San Fernando.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity 2 sa San Juan, La Union bunsod ng nasabing lindol.

Unang sinabi ng Phivolcs na magnitude 4 ang tumamang lindol sa La Union pero madaling araw ng Biyernes nang magpalabas ito ng updated information at itinaas sa 4.1 ang magnitude.

Samantala, Huwebes rin ng gabi, tumama ang magnitude 4.9 na lindol sa Manay, Davao Oriental.

Naganap ang lindol alas 7:17 ng gabi at naitala ang Intensity 4 sa Manay, Mati at Banay-Banay Davao Oriental.

READ  WATCH: Lalaki arestado sa pagnanakaw ng cellphone; isa pa arestado rin sa panunutok ng baril sa QC

Sinabi ng Phivolcs na hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments