Lacson may bagong testigo sa Carl Angelo Arnaiz killing

     3 months ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

Mayroon umanong hawak na testigo ngayon si Sen. Panfilo Lacson na magbiibigay linaw sa kaso ng pagkamatay ni Carl Angelo Arnaiz.

Ayon kay Lacson, boluntaryong nagtungo sa kanyang opisina ang umanoy testigong lalaki, nasa edad 21 taon at nag-iwan din ng kanyang provincial address.

Gumawa umano ng kanyang sulat-kamay na salaysay ang di pinangalanang testigo na isinasalaysay ang kanyang nakita bago mapatay si Carl Angelo Arnaiz.

Sa salaysay ng walk-in witness, sinabi nito na nakita niya si Carl Angelo na sakay ng mobile ng pulis, at nagkatinginan pa umano sila ni Carl.

Kinumpirma din ng testigo na may kasamang isa pang bata si Carl bagaman di pa tukoy kung ito nga si Reynaldo de Guzman alias Kulot

READ  9 sugatan sa bumigay na hanging bridge sa Capiz

Kanina, sinabi ng mga opisyal PNP Crime Laboratory na hindi si Reynaldo de Guzman na umano’y kasama ni Carl sa panghoholdap ng taxi, ang narekober na bangkay sa Gapan City,  Nueva Ecija sa kabila naman ng positibong identification sa bangkay ni Kulot base sa mga body marks ng mga magulang nito.

Tiwala si Lacson na magkakaroon ng linaw ang kaso na iniimbestigahan na rin ng Senado dahil sa paglutang ng mga testigo.

Source link

0 SHARE

Post Comments