Lacson pumalag sa mga akusasyon ni Trillanes

     5 months ago
814
4 Comments
111 SHARE

Maari umanong nagha-hallucinate na si Senador Antonio Trillanes kasunod ng kanyang pahayag na nagsisilbing puppet ng administrasyong Duterte ang Senado.

Ito ang naging reaksyon ni Senador Ping Lacson kasabay ng pahayag na nagtataka siya kung saan nagmumula si Trillanes.

Giit ni Lacson, hindi na rin nya alam kung nasa hustong pag-iisip pa ang dating sundalo.

Mariing tinanggi ni Lacson ang paratang ng kasamahang Senador sa pagsasabing tiyak nya na mali si Trillanes sa kanyang akusasyon laban sa mga mambabatas.

Naniniwala rin si Lacson na malayo na sa realidad ang pag-iisip ni Trillanes at ang pag-aakusa sa mga senador bilang puppet ay maituturing na pinakawalang saysay na pahayag.

READ  Nakumpiskang ‘drug packages’ BOC, inilipat sa pangangalaga ng PDEA

Nauna dito ay sinabi ni Trillanes na nagiging tagasunod na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa Senado dahil sa kanilang pagsunod sa mga dikta ng pamahalaan.

Source link

111 SHARE

Post Comments