Lalake at babaeng estudyante, natagpuang patay sa Rodriguez, Rizal

     3 weeks ago
41
Leave a Comment
0 SHARE

 

Natagpuang patay ang isang babae at isang lalakeng college students sa isang liblib na bahagi ng Bgy. San Jose, bayan ng Rodriguez, Rizal, Miyerkules ng hapon.

Suot pa ang kanilang mga uniporme, nakitang nakagapos pa ang magkabilang kamay at may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang babaeng biktima.

Nakilala ang babaeng biktima sa pangalang Charmaine Villarias na walang saplot na pang-ibaba nang matagpuan at may gapos na damit sa leeg.

Samantalang nakatali naman ang mga paa ng lalakeng biktima at may tama rin ng saksak sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng pagnanakaw ang motibo ng suspek.

READ  Duterte sa mga pulis na sangkot sa Kian delos Santos case: ‘Ikulong kung may kasalanan’

Inaalam rin ng mga otoridad kung posibleng ginahasa rin ang babaeng biktima.

Source link

0 SHARE

Post Comments