Lalawigan ng Laguna, isasailalim sa state of calamity dahil sa pinsala ng bagyong Maring

     2 months ago
31
Leave a Comment
0 SHARE

Magdedeklara ng state of calamity sa lalawigan ng Laguna kasunod ng pinsalang idinulot ng bagyong Maring.

Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, inirekomenda na niya sa Sangguniang Panlalawigan ang deklarasyon ng state of calamity.

Ani Hernandez, malawak ang naging pinsala ng bagyo sa lalawigan batay sa datos ng provincial disaster risk reduction and management office.

Sa pinakahuling tala ng Laguna PDRRMO, anim ang nawawala sa lalawigan.

Nasa 828 na pamilya naman o 4,140 na indbidwal ang nasa evacuation center.

 

 

 

 

 

 

 

Source link

READ  Aabot sa 1 milyong halaga ng ilegal na droga, nasabat ng PDEA sa Antipolo
0 SHARE

Post Comments