‘Lannie’ papasok sa PAR Lunes ng umaga; isa pang LPA namataan

     3 months ago
39
Leave a Comment
0 SHARE

 

Tinatayang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong may international name na ‘Talim’

Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,745 kilomentro sa silangan ng Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro bawat oras at pagbugso ng hangin na nasa 95 kph.

Inaasahang tatahakin nito ang direksyon west-northwest sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa bahagi ng extreme northern Luzon.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa PAR sa Miyerkules.

Sa pagpasok nito sa loob ng PAR, tatawagin itong bagyong ‘Lannie’

Bukod sa naturang bagyo, isa pang Low Pressure Area (LPA) ang nabuo sa 505 kilometro northeast ng Borongan Eastern Samar.

READ  De Lima recieved 3M a month from Colangco

Dahil sa dalawang weather disturbance, asahan na ng publiko na magiging maulan sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Source link

0 SHARE

Post Comments