Larawan ni Pangulong Duterte, inilabas ng Malacañang upang ipakitang wala itong karamdaman

     4 months ago
108
Leave a Comment
27 SHARE

 

Para maipakitang walang iniindang karamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte matapos hindi makita ng publiko nitong mga nakaraang araw, naglabas ng mga larawan ng Pangulo ang Malacañang na nagpapakitang maaayos ang kalagayan nito.

Sa mga inilabas na presidential photos, makikita ang pangulo na bumibisita at nakikipag-kamay sa mga opisyal ng Philipine Air Force sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Kuha ang mga naturang larawan Huwebes ng hapon, batay sa caption nito.

Una rito, ilang larawan rin ng pangulo na nagtatrabaho sa Bahay Pagbabago Huwebes ng hapon ang inilabas ni Special Assistant to the President Bong Go. 

Simula nong Lunes, hindi nakadalo sa ilang aktibidad ang pangulo kaya’t lumutang ang mga spekulasyon na may karamdaman ito.

READ  Speaker Alvarez, hindi susunod sa SC sa oras na paboran ang petisyon para sa joint session review ng martial law

Gayunman, iginiit ng Malacañang na napagod lamang ang pangulo noong weekend kaya’t hindi ito nakadalo sa ilang okasyon kabilang na ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan noong June 12.

Samantala, dakong alas 8:00 ng gabi, kagabi, dumating ang pangulo sa Davao City.

Source link

27 SHARE

Post Comments