Live streaming ng Pacquiao-Horn fight, nagsimula na sa Marawi City

     3 months ago
40
Leave a Comment
12 SHARE

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga evacuees at mga sundalo sa Marawi City na mapanood ng live ang laban ni Filipino champ Manny Pacquiao kay Australian boxer Jeff Horn ngayong araw ng Linggo.

Ito ay matapos maglagay ang provincial government ng live streaming ng laban sa kapitolyo ng Marawi.

Ayon kay Lanao Del Sur assemblyman Zia Alonto Adiong, nag-install ng isang cable link si Vice Governor Bombit Adiong sa provincial capitol para sa live streaming ng Pacquiao-Horn fight na maaaring mapanood ng mga evacuees na nananatili sa capitol compound.

Sinabi din ni Alonto Adiong na ang mapanood ng live ang laban ng Filipino champ ay malaki ang maitutulong sa mga evacuees para pansamantalang makalimutan ang sitwasyon sa Marawi City.

Marami aniya sa mga residente ng Marawi, Kristiyano man o Muslim, ang masugid na taga suporta ni Pacquiao.

Magaganap ang laban ni Pacman, na tinaguriang Battle of Brisbane” sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Source link

12 SHARE

Post Comments