LOOK: Ilang domestic flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

     1 week ago
6
Leave a Comment
2 SHARE

Kanselado na ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Odette.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flight ng PAL Express na 2P 2084 Manila to Basco at 2P 2085 Basco to Manila.

Kabilang ang Batanes sa mga lalawigang nakasailalim sa public storm warning signal number 2.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Ang iba pang pasahero na mayroong biyahe ngayong araw sa mga lugar na apektado ng bagyo ay pinapayuhan din na mag-monitor sa susunod pang mga abiso ng MIAA.

READ  Mga selda sa Camp Bagong Diwa, lalagyan ng libreng TV ni Pangulong Duterte

 

 

 

 

 

 

 

Source link

2 SHARE

Post Comments