Lugar sa Luzon na nasa signal No. 1 dahil kay ‘Odette,’ nadagdagan

     1 week ago
14
Leave a Comment
2 SHARE

Bahagyang lumakas ang tropical depression “Odette” habang binabagtas ang hilagang bahagi ng bansa.

Sa inilabas na severe weather bulletin No. 2 ng Pagasa, nakita ang sentro ni “Odette” sa may 730 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 65 kph.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Cagayan kabilang na ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.

Inaasahan mapapasama ang Ilocos region sa typhoon signal sa mga susunod na oras.

The post Lugar sa Luzon na nasa signal No. 1 dahil kay ‘Odette,’ nadagdagan appeared first on Bombo Radyo Philippines.

READ  Palasyo kay Cardinal Tagle: Masyado lang pinagtutuunan ang mga patayan, nakaligtaan mahigit milyong sumukong drug personalities

Source link

Post Comments