‘Lungsod ng Marawi, malaya na sa mga terorista’ – Duterte

     1 month ago
30
Leave a Comment
0 SHARE

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa loob ng main battle area sa Marawi City.

Ito ay matapos idineklara na ni Duterte na tuluyan nang malaya ang lungsod mula sa mga kamay ng teroristang Maute-ISIS.

Ang pagdedeklara ni Duterte na liberated na ang Marawi ay kasunod ng pagkamatay nina Omar Maute at Isnilon Hapilon kahapon ng madaling araw sa war zone.

Ginawa ni Duterte ang deklarasyon nang personal na bumisitang muli sa Marawi City kahit nasa masama ang kalagayan ng panahon.

Una nang iniulat ng Bombo Radyo Philippines correspondent Bombo Patrick Tablon mula mismo sa Marawi City na apat na sunod-sunod na bomba ang itinapon sa huling lokasyon ng mga terorista sa war zone kaninang madaling araw.

READ  'Flirting Video' Umano Ni Maymay Entrata At Robi Domingo, Umani Ng Iba't-ibang Reaksyon Mula Sa Mga Netizens!

 

Source link

Post Comments