Mag-lola, namatay sa sunog sa Cagayan De Oro

     2 weeks ago
11
Leave a Comment
6 SHARE

Patay ang mag-lola matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Barangay Macasandig, sa Cagayan De Oro.

Kinilala ang mga biktima na sina Luzviminda Dumaguing, walumput tatlong taong gulang, at apo nitong si Mary Grace, apatnaput limang taong gulang na may diperensya sa pag-iisip.

Ayon kay Senior Fire Inspector Greg Rosario, posibleng namatay sa suffocation ang dalawa dahil sa kanilang pagkaka-trap sa nasusunog na bahay.

Pagkukwento ng isa pang apo ni Dumaguing na si Herbert, una niyang sinagip at inilabas sa nasusunog na bahay ang kanyang dalawang anak. Ngunit nang dapat ay babalik siya sa loob para naman sagipin ang mag-lola ay lumaki na ang apoy at hindi na niya nagawang makapasok pang muli.

READ  Peasant’s murder shows ‘disconnect’ between talks’ progress, realities on the ground

Ayon naman kay Rosario, isasailalim sa autopsy ang mga bangkay ng biktima habang kanilang patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

Dagdag pa nito, nasa P300,000 ang danyos sa naturang insidente.

Source link

6 SHARE

Post Comments