Magaan na parusa kay Supt. Marcos, isang “bad precedent” ayon kay Lacson

     2 months ago
113
Leave a Comment
0 SHARE

 

Hinimok ni Sen. Panfilo Lacson ang National Police Commission (NAPOLCOM) na siyasatin ang naging desisyon ng Philippine National Police (PNP) na patawan ng magaan na parusa si Supt. Marvin Marcos at 18 nitong mga tauhan kaugnay ng pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Sa tweet ni Lacson, sinabi niyang posibleng may malalim na implikasyon ang kaso ni Marcos sa disiplina at efficiency ng pulisya.

Maari rin aniyang gamitin ng mga tiwaling pulis ang kaso ni Marcos para igiit ang pagkakaroon ng field assignments.

Sakali aniyang mangyari ito, magiging patunay lang ito na malaki ang problema ng bansa sa peace and order.

Noong nakaraang linggo ay muling nakabalik sa serbisyo si Marcos at 18 niyang mga tauhan matapos ang apat na buwang suspensyon kaugnay ng pagkakapatay kay Espinosa.

Source link

0 SHARE

Post Comments