Magkapatid, patay sa Rizal landslide; 13 nawawala sa Laguna dahil kay ‘Maring’

     3 months ago
30
Leave a Comment
0 SHARE

Natabunan ng pagguho ng lupa bunsod ng malakas na ulang dala ng bagyong “Maring” ang dalawang bahay sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal kaninang umaga na ikinasawi ng dalawang katao.

Kinilala ang mga biktimang sina Jude Pundal, 17, at ang kapatid nitong si Justin, 14, na idineklarang dead on the spot.

Nabalian naman ng kamay ang kanilang ina na si Judith Pundal.

Sinabi ng otoridad na prone sa landslide ang nabanggit na barangay.

Sa kabilang dako, sa Calamba, Laguna, nagsasagawa ng search and rescue operations bunsod ng pagkawala ng 13 katao.

Nabatid na umapaw ang isang ilog na malapit sa mga barangay ng Parian at San Cristobal sa naturang lungsod dahil sa malakas na buhos ng ulan na dala ng “Maring.”

READ  De Castro: Sereno nirerespeto ko kahit kontra ako sa ginawa niya

Source link

Post Comments