Magkasunod na lindol, naitala sa Davao Occidental at Surigao del Norte

     3 months ago
18
Leave a Comment
0 SHARE

Dalawang magkasunod na lindol ang naitala ng Philippine Institue of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong umaga.

Sa tala ng Phivolcs, niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Davao Occidental kung saan naitala ito sa 181 kilometers East ng bayan ng Sarangani sa kaninang 5:41 ng umaga.

Niyanig naman ng magnitude 3.2 na lindol ang Surigao del Norte.

Naitala ang episentro ng lindol sa 61 kilometers East ng bayan ng Burgos bandang 5:28 ng umaga.

Tectonic ang pinagmulan ng magkasunod na lindol at wala namang naitalang pinsala bunsod nito.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang mga pagyanig.

READ  Nur Misuari, nangakong hindi muna makikipag-giyera sa pamahalaan

Source link

0 SHARE

Post Comments