Magnitude 3.7 na lindol, naramdaman sa Bohol

     2 months ago
21
Leave a Comment
0 SHARE

 

Nakaranas ng tatlong banayad na lindol ang lalawigan ng Bohol, Lunes ng gabi.

Sa tatlong magkakasunod na pagyanig, naitala ang pinakamalakas sa mga ito dakong alas 8:53 ng gabi.

Naitala ang episentro ng magnitude 3.7 na lindol may apat na kilometro sa timog-kanlurang bahagi ng Antequera, Bohol.

Ayon sa PhiVolcs, naramdaman ang intensity 2 na paggalaw ng lupa sa bayan ng Tagbilaran.

Una pa rito, dakong alas 8:50 ng gabi, naitala ang magnitude 2.3 na lindol sa silangang bahagi ng Sagbayan, Bohol.

Magnitude 2.1 naman ang naitala ng Phivolcs sa silangang bahagi ng Cortes, Bohol dakong alas 8:30 ng gabi.

READ  Mga fish pen sa Laguna de Bay, sinimulan nang gibain ng DENR

Wala namang naiulat na pinsala sanhi ng mga naturang pagyanig.

Source link

0 SHARE

Post Comments