Malacanang todo paglilinaw sa controversial statements ni Pres. Duterte vs EU envoys

     2 months ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

Todo paliwanag ang Malacanang sa panibagong kontrobersiya na matinding pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinapalayas ang mga European Union (EU) ambassadors sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, ang talagang tinutukoy daw ng Pangulo ay ang seven-member delegation ng International Delegates of the Progressive Alliance.

Dagdag pa nito, ang grupo ay hindi naman daw mga kasapi ng EU mission gaya ng mga unang lumabas na impormasyon.

“The President’s expression of outrage is in reaction to statement by a 7-member delegation of the international Delegates of the Progressive Alliance which falsely portrayed itself as an EU mission.  This delegation’s irresponsible statements protesting the alleged killings under the Duterte Administration demean our status as a sovereign nation.”

Paglilinaw pa nito,  nais lamang ng Presidente na walang mga dayuhan na magsasagawa ng protesta at pumupuna sa ginagawang pamumuno sa bansa.

READ  Zimbabwean President Robert Mugabe bumaba na sa puwesto

Inabot ng tatlong serye ng mga statements ang ipinalabas ni Abella upang linawin ang mariing mga pahayag ng chief executive.

“The only basis for suspension of privileges of members of the UNHRC is for the concerned member to have committed ‘gross and systematic violations of human rights’ and such decision is not of the UNHRC but by 2/3 vote of the members of the UN General Assembly present and voting,” ani Abella sa kanyang statement.

Nauna rito hinamon ng Pangulo ang mga EU ambassadors na lumayas sa bansa sa loob ng 24 na oras.

“Now, the ambassadors of those countries listening now. Tell me, because we can have the diplomatic channel cut tomorrow. You leave my country in 24 hours. All. All of you. You must have taken the Filipinos for granted,” bahagi ng controversial statement ni Duterte.

READ  5 miyembro ng pamilya patay, pati 3 bata sa sunog sa Agusan del Sur

Samantala, pinabulaanan naman ng European Union na bahagi sila sa pagbisita ng mga international parliamentarians sa bansa.

Sa inilabas na kalatas ng EU Delegations sa Manila, sinabi ng mga ito na hindi sila bahagi sa organisasyon o pagpapaplano sa nasabing grupo.

Maging ang European Union sa Pilipinas at EU sa Brussels ay walang kinalaman umano sa ginawa ng Progressive Alliance.

Nanindigan sila na patuloy pa rin ang kanilang mahigpit na pakikipagtulungan sa Pilipinas.

Binubuo ang Progressive Alliance ng mga miyembro mula Sweden, Italy, US , Australia at Germany na bumisita noong Oktubre 8 at 9.

Source link

Post Comments