Malakanyang tiniyak ang tulong sa extradition ng Pinoy na nadadawit sa nadiskaril na NY terror plot

     2 months ago
21
Leave a Comment
5 SHARE

 

Tiniyak ng Malakanyang na kanilang ibbigay ang buong suporta upang mapabilis ang extradition proceedings na hinihiling ng Amerika sa kaso ng Pilipinong doktor na nadadawit sa nadiskaril na 2016 terror bombing sa New York.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, nakikipagpalitan na ng impormasyon ang mga lokal na otoridad sa kanilang mga counterparts sa Estados Unidos sa kaso ni Dr. Russel Salic.

Paliwanag ni Abella, tuluy-tuloy lamang ang preliminary investigation ng DOJ sa kasong kidnapping at murder ni Salic habang pinoproseso ang extradition para dito.

Si Salic ang naakusahang nagpapadala ng pera sa kanyang mga kapwa terror suspects na kasapi umano ng ISIS upang pagplanuhan ang pambobomba sana sa New York Subway at Central Park noong panahon ng Ramadan, taong 2016.

READ  VP Robredo happy with 'conduit' role

Una nang naaresto si Salic dito sa Pilipinas dahil sa pagkidnap sa anim na manggagawa ng isang sawmill at pagpatay sa dalawa sa mga ito noong Abril.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng NBI si Salic.

Source link

5 SHARE

Post Comments