Malaking bahagi ng Luzon, makararanas ng mga pag-ulan dahil sa LPA ayon sa PAGASA

     2 weeks ago
13
Leave a Comment
5 SHARE

Magdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ang isang low pressure area na binabantayan ng PAGASA.

Ayon sa weather bureau, inaasahang makararanas ng katamtamang pag-ulan ang Bicol region at mga lalawigan ng Apayao, Cagayan, Ilocos Norte, Batanes at Babuyan islands.

Iiral naman ang maulap na kalangitan na may kasamang mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, ang Visayas at Mindanao naman ay makararanas ng magandang panahon maliban nalang sa isolated rainshowers sa hapon o gabi.

Ang LPA, na huling namataan sa Maddela, Quirino ay posibleng maging ganap na bagyo sa pag-alis nito sa Luzon dahil sa malakas na hangin.

READ  Dela Rosa, paiimbestigahan ang pagkamatay ng ikatlong 'person of interest' sa Bulacan massacre

Nagbabala ang PAGASA na mapanganib pumalaot sa northern seaboards ng Luzon dahil sa malakas na ihip ng hangin.

Source link

5 SHARE

Post Comments