Malaysian national na financier ng Maute group na nasa bansa pa ayon sa AFP

     1 month ago
60
26 Comments
130 SHARE

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na nasa Marawi City pa rin ang Malaysian terrorist na si Dr. Mahmud Ahmad.

Ayon kay Major Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, posibleng kasama ni Ahmad ang anim hanggang walong foreign terrorists sa Marawi City bukod pa sa hindi bababa sa 20 local terrorists na nasa main battle area.

Ayon kay Padilla, si Ahmad ay isa sa nagbigay ng pera para pondohan ang paghahasik ng kaguluhan.

sa Marawi City.

Nangako naman ang AFP na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para tuluyan nang mahuli o mapatay ang nasabing mga terorista.

Umapela rin si Padilla sa publiko na maging mapagmatyag at kung may nalalamang impormasyon

READ  Indonesian shabu hauls just tip of iceberg – drug czar | News5

ay ipagbigay-alam kaagad sa kinauukulan upang makatulong sa paghuli sa mga natitirang terorista na kabilang sa mga sumalakay sa lungsod.

Kanina ay idineklara na ng pangulo ang liberation ng Marawi City mula sa mga kamay ng Maute group pero nagpapatuloy pa rin ang bakbakan sa ilang mga lugar doon.

Source link

130 SHARE

Post Comments