Manny Pacquiao nakauwi na sa bansa

     3 months ago
35
Leave a Comment
0 SHARE

Dumating na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa General Santos City, mula sa Brisbane Australia.

Sakay ng chartered plane at kasama ang kanyang buong entourage, dumating si Pacman sa General Santos International Airport alas dos ng hapon.

Isang hero’s welcome naman ang sumalubong sa Filipino boxing champ sa kanyang pagdating sa GenSan.

Sinalubong din ng military honors ng PNP Regional Police 12 si Pacquiao. Matapos ang mabilis na seremonya, agad na umalis na si Pacman kasama ang kanyang pamilya sa paliparan sakay ng isang itim na van.

Nagpasalamat naman ang pambansang kamao na mainit na pagsalubong ng mga Filipino.

Kahapon, nabigo si Pacquiao na idepensa ang WBO Welterweight champion title matapos talunin ni Australian boxer Jeff Horn.

Source link

0 SHARE

Post Comments