Mapandi bridge, hindi gagamitin ng AFP sa mga pag-atake vs. Maute Group

     4 months ago
66
Leave a Comment
8 SHARE

 

May paraan na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang marating at maabot ang ground zero sa Marawi City, at kung saan din naroon ang main position ng Maute Group.

Ito’y matapos mabawi ng tropa ng gobyerno ang Mapandi brige noong nakaraang linggo na tawiran patungo sa commercial center ng Marawi.

Gayunman, walang balak ang AFP na gamitin ang access na ito patawid sa Agus River para sa paglulunsad ng major assault laban sa mga terorista.

Mahigpit kasing ibinilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag maglunsad ng malakihang pag-atake sa isang malaking mosque na pinagtataguan ng mga terorista, kung saan hawak nila ang halos 100 bihag.

READ  Human Rights Watch sinungaling ayon kay Panelo

Dahil dito, sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na gagamitin na lang nila ang tulay sa pagbibiyahe ng mga sundalo at mga combat supplies patungo sa war zone.

Pero higit sa lahat, ang pangunahin aniyang paggagamitan nila ng tulay ay ang pag-rescue sa mga sibilyan na bihag ng Maute.

Kabilin-bilinan rin kasi ng pangulo na dapat ay unahing isaalang-alang ang kaligtasan ng mga bihag.

Source link

8 SHARE

Post Comments