Mapandi bridge, nabawi na ng militar, 6 na terorista ang napatay

     2 months ago
143
Leave a Comment
30 SHARE

Patay ang anim na terorista sa isinagawang daring assault ng tropa ng pamahalaan sa Marawi City kahapon na nation sa kasagsagan ng pagdalaw doon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, naging matagumapy ang kanilang operasyon sa Mapandi bridge na matagal nang pinagkukutaan ng Maute terror group.

Sa nasabing operasyon anim na miyembro ng ISIS inspired terror group ang napatay at isa sa mga ito ay na-recover ang bangkay.

Tatlong sibilyan naman ang nailigtas.

Ayon kay Herrera, ang nasabing mga sibilyan ay nakitang dumadaan sa Mapandi bridge habang kasagsagan ng matinding bakbakan.

Agad silang dinala sa ligtas na lugar ng mga sundalo.

Hindi pa naman tinukoy ni Herrera kung mayroong nasugatan o nasawi sa panig ng pwersa ng gobyerno.

 

 

 

 

 

 

Source link

30 SHARE

Post Comments