‘Maraming nakatirang Pinoy sa California, naabot na rin ng wildfire’

     1 week ago
21
Leave a Comment
2 SHARE

BACOLOD CITY – Hindi na hinintay pa ng mga Pilipino sa Napa country, California ang advisory na mandatory evacuation dahil sa hindi na makayang usok mula sa wildfire na nasa severe air quality warning na.

Batay sa panayam ng Star FM Bacolod kay Winston Sario, tubong Maynila at isang business owner sa Napa, hindi na sila nakakahinga ng maayos dahil sa mausok na hangin na nalalanghap.

Halos lahat na rin ng mga residente sa kanilang lugar ay nagdesisyon nang mag-evacuate dala ang mga importanteng dokumento at pagkain na magtatagal ng mga ilang araw.

Ikinababahala rin nila ngayon ang posibilidad na maabot na ng apoy ang wineries sa Napa dahil mas masama at malala ang magiging epekto nito sa kanila pati na sa iba pang malalapit na lugar.

Kahit isang winery lang daw ang maabot ay magsusunod-sunod na ang sunog dahil sa dikit-dikit na stock files ng alcohol.

READ  'Father Suganob posibleng iharap ng AFP at DND sa presscon ngayong hapon'

”Ang pinaka problema namin ngayon wine country kami marami kaming wineries nasa gilid namin. Maraming stock file ng mga wines diyan and may alcohol, so iisipin mo isang winery lang yong masunog parang domino effect yan. Kaya prepared yong mga bombero namin dito, na pag umabot sa isang winery kailangan maapula nila agad para hindi umabot sa isa kasi dikit dikit yan at talagang grabe ang mangyayari,” kuwento pa ni Sario sa eksklusibong panayam ng Star FM Bacolod.

Sinabi pa ni Sario na ang evacuation area sana nila sa Fairfield kung saan mas marami pang mga Pinoy ang nandoon ay naabot na rin ng apoy kaya naghahanap sila ngayon ng mas malayong lugar para doon pansamantalang manatili.

READ  Many House lawmakers mum about Kian killing | News5

Umabot na sa 15 katao ang patay sa malawakang wild fire sa Northern Calfornia.

Kabilang sa namatay ay ang 100-year old na si Charles Rippey at asawa nitong si Sara na 98-anyos at mahigit na 100 katao naman ang itinakbo sa pagamutan matapos masugatan, makalanghap ng usok at napaso.

Halos buong bahagi ng Sonoma, Napa at Mendocino counties ang tinupok na ng apoy.

Ayon kay California Fire Director Ken Pimlott, na maraming tawag ang kanilang natanggap na naghahanap ng kanilang mga nawawalang kaanak.

Itinuring ng ibang residente na parang bomba na bigla na lamang may sumabog at mabilis na kumalat ang apoy.

Maraming bahagi rin sa lugar ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Kilala ang mga lugar sa taniman ng ubas at dito rin makikita ang mga malalaking pagawaan ng mga wine.

Source link

Post Comments