Marawi crisis patapos na; Parojinog, ilang Mindanao politicians at drug lords, ‘financier’ sa ISIS-Maute attack – Duterte

     3 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanya ng babawiin ang Martial Law sa Mindanao pagklatapos ng clearing operations sa Marawi City at kung wala ng banta ng “spillover” ng karahasan.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang ikalimang pagpunta sa Marawi kahapon kung saan kinausap nito ang tropa ng pamahalaan, namahagi ng financial assistance at mga groceries at nagsagawa ng press conference.

Sinabi ng Malacañang na muntik pang maipagpaliban ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Marawi dahil sa sama ng panahon kaya napwersa pa ang Presidential Group na mag-emergency landing sa 2nd Mechanized Infantry Brigade sa Iligan City at saka bumiyahe ng isang oras papuntang Camp Ranao sa Marawi City.

READ  Pagsasara ng paliparan sa Indonesia, pinalawig pa dahil sa pagsabog ng Mount Agung

Ayon kay Pangulong Duterte, nalalapit nang matapos ang Marawi crisis kasabay ng pagbibigay-diing walang mangyayaring selebrasyon kapag tuluyan ng napalaya ang lungsod mula sa ISIS-Maute terror group.

Sa nasabing okasyon, ipinakita ng pangulo ang isang “matrix” o listahan ng mga personalidad at pulitikong nagpondo sa pag-atake ng mga terorista kung saan kabilang dito ang napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, kasama ang iba pang pulitiko sa Central Mindanao at mga drug lords.

Source link

Post Comments