Marilou Danley agad na sinundo ng FBI pagdating sa LA

     3 weeks ago
18
Leave a Comment
4 SHARE

Sinundo ng mga federal agents pagkadating niya a Los Angeles airport ang kasintahan ng Las Vegas gunman Stephen Paddock na si Marilou Danley.

Umaasa ang FBI na sumundo kay Danley na makakuha sila ng mga impormasyon.

Nilinaw din nila na ang pagbabalik nito sa US ay para malinisan ang kaniyang pangalan sa ginawang pamamaril ni Paddock na ikinasawi ng 58 katao at ikinasugat ng mahigit 500 iba pa.

Isa sa nais na malaman ng mga otoridad kung inutusan ba si Danley ni Paddock bago isagawa pamamaril.

Sinasabing ang $100,000 na perang ipinadala ni Paddock kay Danley ay para sa kaniyang life insurance.

READ  Physical presence needed to vote – Pimentel to De Lima | News5

Ang 62-anyos na si Danley ay isang Australian citizen at kasal noong 1980 na may anak na babae na naninirahan sa Los Angeles.

Lumipat ito sa US at nagpakasal kay American Geary Danley kung saan nag-divorced sila noong 2015.

Nagkakilala ang dalawa noong nagtatrabaho bilang casino hostess si Danley.

Sa ngayon ay blanko pa rin ang mga otoridad kung ano ang pinakamotibo ni Paddock sa pamamaril.

Source link

Post Comments