Marilou Danley, maraming ginagamit na pangalan, 2 beses nagpakasal sa US

     3 weeks ago
104
Leave a Comment
7 SHARE

Maraming ginagamit na pangalan, birth date, social security numbers at dalawang beses na nagpakasal sa Estados Unidos si Marilou Danley, ang girlfriend ng gunman sa mass shooting na naganap sa Las Vegas.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Newsweek sa US, sa loob ng anim na taon, dalawang beses na nakasal si Marilou sa Amerika, ang una ay noong 1990 sa isang Geary Danley at ikalawa ay noong 1996 sa isang Jose Bustos. Batay sa divorce records sa US, hindi napawalang-bisa ang kasal ni Marilou at ni Geary Danley bago ang kasal kay Bustos.

Ang 76 anyos na si Danley ay naninirahan ngayon sa Arkansas at piniling manahimik sa sitwasyong kinasasangkutan ng dating asawa.

READ  Senators vote 10-7-5 to reopen probe on Davao Death Squad

Napag-alaman din ng Newsweek na mayroong anak na babae sa California si Marilou.

Natuklasan din ang pagkakaroon ng conflicting identities ni Marilou na unang dumating sa Estados Unidos bilang Marilou Natividad at naging Marilou Danley matapos ang unang kasal noong 1990.

Sa California, naka-rehistro siya bilang Marilou Natividad-Bustos at ang birthday niya ay nakatala na January 1962, dahilan para masabing siya ay 55-anyos.

Sa hiwalay na Social Security number sa Nevada, ginamit naman niya ang pangalanang Marilou Lou Danley na may birth date na December 1954, at edad 62.

Mayroon ding multiple addresses si Marilou sa Arkansas, Tennessee, California, Florida at iba pang states at madalas na nagpapalipat-lipat sa mga lungsod sa nabanggit na mga state.

READ  SC nag-isyu ng writ of amparo laban sa mga pulis sa Antipolo City

 

 

 

 

 

 

Source link

7 SHARE

Post Comments